Damang-dama


Di ko malaman
Bakit mo naisipan
Magsabi ng nilalaman
Upang damdamin mo'y gumaan

Ako ngayo'y naguguluhan
Sa sitwasyong dumaraan
Meron ba itong pupuntahan
Meron ba itong patutunguhan

Damang-dama, nasasaktan
Nawawala ang dahilan
Nadarama ay nasaan
Sumbatan di maiwasan

Bumubugso ang ulan
Lumuluha sa unan
Tuloy-tuloy ang awayan
Hanggang saan ang hangganan

Ako ngayo'y naguguluhan
Sa sitwasyong dumaraan
Meron ba itong pupuntahan
Meron ba itong patutunguhan

Damang-dama, nasasaktan
Nawawala ang dahilan
Nadarama ay nasaan
Sumbatan di maiwasan

Damang-dama







Captcha