Basta Nariyan Ka

Hainan mo ako ng kahit anong almusal,
kung wala kang tapsilog ayos din ako sa pandesal
at isang tasang kape basta nariyan ka lang
Huwag kang mag-abala sa oras ng tanghalian
kung walang kare-kare, okey na ako sa bagoong
basta nariyan ka lang sa aking harapan
Sa pagkain akoy hindi pihikan na katulad ng iba
basta ikaw lang ay kasama ko kahit ano ay puwede na
Bawat sandali ako ay lumiligaya, lubos ang saya basta nariyan ka

Huwag mong intindihin sa pagsapit ng hapunan,
kamatis lamang at asin maa-ari kong mapagtiyagaan
basta sasabay ka lang ligaya ng tunay
Higit na mas mahalaga sa akin ay ang nakikita ka
Basta ikaw lang ay kasama ko kahit ano ay puwede na

Captcha