Sa Aking Mahal


Kay sakit ng malayo lalo na sa isang minamahal
Puso ay nagdurugo, pagbabalik ang siyang ina-asam
Tuwing gabi kasiping koy lumbay
Kahit akoy napipikit diwa koy naglalakbay
Sa isip koy pilit na iginuguhit, larawan ng aking ini-ibig
Aking mahal mawalay lang kahit saglit ang puso koy sumasakit
Kay lungkot ng mag-isa damdamin ay palaging balisa
Puso ay naninimdim mula umaga hanggang magdilim
Tuwing gabi kasiping koy lumbay
Kahit akoy napipikit diwa koy naglalakbay
Sa isip koy pilit na iginuguhit, larawan ng aking ini-ibig
Aking mahal mawalay lang kahit saglit ang puso koy sumasakit







Captcha