Kaka


Sa gitna ng dilim si Kaka'y nangangapa
Nagpumilit makakuha posporo at kandila
Sa kasamaang palad ay iba ang nakapa malambot
Mamasamasa malagkit at malata ehh

Sumibad siya pakusina maghuhugas ng kamay nya eh
Walang tubig sa gripo kaya't sa banyo dumiritso eh
Minalas nga naman natapakan ang sabon si kaka ay nadulas
Puwit nya ay nagasgas eh

Chorus:

Kasi walang kuryente brownout walang kuryente wala wala walang kuryente wala
Walang kuryente
Kasi walang kuryente brownout walang kuryente wala wala wala wala walaaaaa!

Palabas s'ya ng banyo ng matapakan si muning
Katakot takot nakalmot si kaka napadaing eh
Umakyat s'ya sa hagdan pero bago makarating nakatapak ng tumbtacks
Gumulong at nagkadulingduling

(Repeat chorus)

Lumabas s'ya ng bahay doon sa kalye nagpahangin at galit
Na tinadyakan ang aso ni mang Osting
Eh nandon pala si mang Osting nasiga sa lugar namin
Ang kawawang si kaka sa ospital nakarating wheoowheoo!

(Repeat Chorus)







Captcha