Limang Dipang Tao


Limang dipang taong nagtutulakan
sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan, patungo kung saan,
di ko malaman

Sa aking dyipning sinasakyan,
mayroong natanaw na mama
Sa dinami-rami ng nagdaraan, ikaw pa ang nakita,
ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga, (may kasamang dalaga)

Para, mama dito na lang, bababa na ako
Para, mama dito na lang, heto ang bayad ko
(heto ang bayad ko)
Para na sabi, para na sabi, para mama
Para na diyan sa tabi!

Limang dipang taong nagtutulakan,
ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Tinatanaw ang pagakay mo
sa dalagang pinagseselosan ko

Sa pagmamadali nadapa ako,
sa bangketang kinatatayuan mo
Lumapit ka, at tinulungan ako,
at kita'y tinitigan (at kita'y tinitigan)
mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman?

Sorry, mama pasensiya ka na, akala ko'y asawa kita
Sorry, mama pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi (2X), sorry mama, sorry't napagkamalan ka

Limang dipang taong nagtutulakan
sa Abenidang aking kinatatayuan
nagaabang ng masasakyan
patungo kung saan, 'di ko malaman

Limang dipang taong naguunahan
sa unting sasakyang nagdaraan
sayang ang dyipning kanina'y lulan
at ngayo'y nagsisisi, sa aking pagbubusisi

malaking pagkakamali

Para, mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan
Para, mama sasakay po, limang dipang taong naguunahan
Para na sabi (2X), para mama, para na diyan sa tabi

Para na diyan







Captcha
The Barbie's Cradle Limang Dipang Tao are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Limang Dipang Tao lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.