In Lab


Narration: "Alam mo
Sobra-sobra na talaga ang paghanga ko sa 'yo
Tagus-tagusan hanggang buto
Pero wala akong magawa
Isa kase akong torpe"

Ako'y talagang di mapakali
Sa byuti mong napakatindi
Sa twing ika'y aking nakikita
Halos niyayanig ang buo kong katawan

Hindi malaman kung ano ang gagawin
Halos magkandaduling sa katitingin
Ganyan katindi ang dating mo sa akin
Kaya't sana'y pansinin ang aking lambing

Narration: "Segu-segundo, minu-minuto, oras-oras,
Araw-araw, gabi-gabi, linggu-linggo,
Buwan-buwan, taun-taon,
Tapos na ang Pasko
Kelan ba ang anibersaryo?
Ay nako!"

Kapag ika'y wala sa aking paningin
Hindi ko malaman kung anong gagawin
Ang pakiramdam ko'y parang lantang gulay
At alam kong ikaw lamang ang aking buhay

Dahil ako'y talagang di mapakali
Sa byuti mong napakatindi
Sa twing ika'y aking nakikita
Halos niyayanig ang buo kong katawan

At kung sakali mang ako'y ibigin mo
Ibibigay ko ang lahat ng iyong gusto
Basta't makita ko lamang na maligaya ka
Ito'y malaking kasiyahan sa aking buhay

Dahil ako'y talagang di mapakali
Sa byuti mong napakatindi
Sa twing ika'y aking nakikita
Halos niyayanig ang buo kong katawan

Dahil ako'y talagang di mapakali
Sa byuti mong napakatindi
Sa twing ika'y aking nakikita
Halos niyayanig ang buo kong katawan
Rating: 10/10 - 2 votes







Captcha
The Blakdyak In Lab are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for In Lab lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.