Puso ko'y binihag Mo, sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay; ako'y iyo habang buhay
Anhin pa ang kayamanan, luho at karangalan?
Kung Ika'y mapasa'kin, lahat na nga ay kakamtin
Refrain:
Sa 'Yo lamang ang puso ko;
Sa 'Yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa
Tangan kong kalooban, sa Iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo, tumalima lamang sa 'Yo (refrain)