Miskol


Nakakatawa mang isipin
Kay babaw ko naman
Para kiligin sayong pagpaparamdam
Tila isang batang naghihintay na pansinin
Naghihintay sa isang tabi
Kung ako'y tatawagan
Di, hindi mo man sagutin
Alam kong may lihim na pagtingin

Isang miskol mo lang
Ako'y nabubuhay sa isang pangarap
Kahit simple lang
Isang miskol mo lang
Meron mang kabaduyan
Ngunit ito ang aking nararamdaman

Nakakainis mang isipin
Na nagmumukha na pala akong tanga
Para maniwala at umasa
Sa aking mga haka-haka
Na ikaw ay may nararamdaman din
Para sakin
Sa bawat oras ng pagtawag mo
Ng walang dahilan

Isang miskol mo lang
Ako'y nabubuhay sa isang pangarap
Kahit simple lang
Isang miskol mo lang
Meron mang kabaduyan
Ngunit ito ang aking nararamdaman

Siguro nga ang oras ay humahanap
Ng tamang panahon (ng tamang panahon)
Nang dahil sa iyong pagpaparamdam
Dun ako masaya (dun ako masaya)
Kahit minsan lang

Isang miskol mo lang
Ako'y nabubuhay sa isang pangarap
Kahit simple lang
Isang miskol mo lang
Meron mang kabaduyan
Ngunit ito ang aking nararamdaman







Captcha
The Craeons Miskol are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Miskol lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.