Buhay Sa Amerika


Kung lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala,
kung Sabado habang nagpapahingay naglalaba
at kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa
ng kung ano-ano basta alam na kikita
Sa dami ng mga binabayarang hulugan
hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan
Bagay na totoo at hindi kataka-taka,
marami ang ganyan ang buhay sa Amerika
O ang buhay sa Amerika,
hindi laging langit at hindi laging masaya
lalo na kung malayo sa iyong minamahal
oras, araw, buwan, taon ay parang mabagal
O ang buhay sa Amerika,
hindi laging langit at hindi laging sagana
kaya doon sa nangangarap na dito tumira
isa, dalawa, tatlong beses na mag-isip muna
Ditoy pauutangin ka hanggang sa mabaon,
susubsob ka sa hanapbuhay para umahon
Inaasahang suweldo kahit gaano kataas
lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas
Ditoy marami rin nagtatagot tumatakbo
dahil sa ang papel nilay hindi pa kumpleto
Mayrong napipilitang sa kanoy magpakasal
maging legal lamang kahit na yung kanoy bungal
O ang buhay sa Amerika,
minsan ay malungkot, minsan ay katawa-tawa
At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin,
kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin
O ang buhay sa Amerika,
hindi laging langit at hindi laging maganda
Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan
mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian
Bayan kong Pilipinas tayoy kanyang tatanggapin kahit anong oras
Pilipinas kong mahal kitay hindi maipagpapalit kahit kailan







Captcha
The Florante Buhay Sa Amerika are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Buhay Sa Amerika lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.