Dalaga Ka Na


Dalaga ka na, marami ang manliligaw
May pang-umaga, may pang tanghali,
mayrong panghapon at may panggabi
Bilang ama ako ay nagtitiwala,
naniniwala bawat sandali ikaw ay hindi magmamadali
Ayaw na ayaw kong ikaw ay nasasaktan
at lalo ng ayaw kong umiiyak ka at nahihirapan
Dalaga ka na, mahaba pa ang panahon
Marami ka pang pagpipilian
na kapwa tayo ay sasangayon
Bilang ama palagi akong gagabay,
Ituring akong iyong kaibigan,
iyong kakampi sa habangbuhay
Ayaw na ayaw kong ikaw ay nasasaktan
at lalo ng ayaw kong umiiyak ka at nahihirapan
adli
Ayaw na ayaw kong ikaw ay nasasaktan
at lalo ng ayaw kong umiiyak ka at nahihirapan
Dalaga ka na at mag-aasawa ka rin
Sundin ang puso at ang damdamin
higit sa lahat pakaisipin
Bilang ama hangad ko ang iyong ligaya
Ayokong ikaw ay magsisisi
at mayrong lungkot na madarama
Ayaw na ayaw kong ikaw ay nasasaktan
at lalo ng ayaw kong umiiyak ka at nahihirapan







Captcha
The Florante Dalaga Ka Na are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Dalaga Ka Na lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.