Mmm Sarap


Di ko mapigilang ngumiti
pag ika'y nakikita
Para kang isang regalong
nagbibigay saya
Nagtataka kung anong
hiwagang mayron ka
Sana ang nadarama
ay di na lumipas pa

Para bang namamasyal sa ulap
tuwing kasama ka
Pati mga problema ko'y
biglang limot ko na
Ang oras ay biglang natrapik
biglang humihinto
Sulit ang bawat minutong
ika'y naririto

*Kay sarap isipin na naryan ka
pag ako'y nalulumbay
Basta't kasama ka lahat ng bagay
ay puno ng kulay
Naririnig ang daloy ng tubig
at ihip ng hangin
Sa piling mo'y naglalakbay ako
at nananaginip

Ano bang meron ka
at ako'y naakit mo?
Mapungay ang mata
kapag ika'y kasama ko
Basta't kapiling ka
ako ay ayos na
At sa bawat gitgit iyong makikita
na mahal kita

Repeat *
Instrumental
Repeat *







Captcha
The Kamikazee Mmm Sarap are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Mmm Sarap lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.