tuwing umuulan

Print   |   Edit

La
Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maaari bang huwag ka nang
Sa piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na

CHORUS 1:
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliya
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na oh
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi

CHORUS 2:
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

La la la

Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi

REPEAT CHORUS 1
REPEAT CHORUS 2

La laOoh hey
Rating: 5/10 - 2 votes






Captcha

Comments

 
jennifer reyes     2011-01-12 03:08    
1
i like this song a very sad song 4me.kasi ito ung song na pinatugtog nung libing ng lola at tita ko.sad kasi magkasunod clang namatay at sabay nilibing hopa mapakinggan ko ito na live kong makikita c regine..