Sweetheart Tweetums


Umaga ko'y parang walang araw
'Pag di nasisilayan ang 'yong ngiti
Kung di ko na makita ang iyong mukha,
Mabuti pa'y sa Singapore mag bigti

Sweetheart tweetums,
Alam mo namang kotse ko'y syam syam
Ako'y simple lang,
Ngunit pag-ibig ko sayo'y walang hanggan

Kung sa panaginip makasama kita,
Sana'y di na 'ko magising muli
Ang puso ko'y hindi na titibok
Kung ang iyong sagot sa akin ay hindi

Sweetheart tweetums,
Katapatan ko ay iyong alam
'Di naman ako palahinge
Ngunit 'wag mong iwanan ang puso kong bale

'Di baleng mabingi ang telepono
Sa kakatawag ko saiyo
'Di bale ng matalo sa lotto
Bastat marinig ang iyong "oo"

Sweetheart tweetums
Mundo'y walang pakialam
Sa 'yong desisyon
Bastat pagnilayan mo lang ang iyong tugon
Bastat pagnilayan mo lang ang iyong tugon

ang iyong tugon







Captcha
The Sipol Sweetheart Tweetums are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Sweetheart Tweetums lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.