Turuan Mong Umibig Ang Mga Bata


[Words by: Noel Salonga]

Turuan mong umibig ang mga bata
Turuan mo sila
Turuan mong magmahal
Pag-ibig na may dangal

Huwag mong hayaang pumatak ang ulan
Sa mata ng mga bata sa iyong kandungan
Takpan mo ang dilim na hatid ng ulan
Ilatag mo ang araw sa kanilang daraanan

Ikaw ang ulap at kanilang bubong
Yakap ng pag-ibig sa musmos ay ihandog
Pagmamahalang inasam ng panahon
Ay madarama mo na sa buong maghapon

At turuan mong umibig ang mga bata
Turuan mo sila
Turuan mong magmahal
Pag-ibig na may dangal

Kamatayang dala ng katandaan
Bahaghari ka sa iyong paglisan
Sagisag ng pag-ibig at pag-asa
Dakilang guro ng mga bata

Bip bip bip padididap didum…

Malapit na ang araw
Araw ng pagsilang
Ng wagas na pag-ibig
Na ating natutunan

At turuan mong umibig ang mga bata
Turuan mo sila
Turuan mong magmahal
Pag-ibig na may dangal







Captcha
The Skabeche Turuan Mong Umibig Ang Mga Bata are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Turuan Mong Umibig Ang Mga Bata lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.