Payaso


Kilala n'yo na ba ako?
Ano nanaman 'tong deliryo?
Dapat bang matuwa?
O dapat bang malumbay?

Sige lang nang sige
Hangga't mapanis ang ngiti
Tuloy ligaya, sige mangiliti
Handa ka na ba
Para tanggapin ako
Tatawanan n'yo ba
Ang isang payaso

Hindi naman maangas
Hindi rin totoo
Kapag may maskara ang tao
Marami siyang matatago

Trabaho niya'y tumawa
Pero gusto ring umiyak
Sa gusto niya't hindi
Sila'y magagalak
Handa ka na ba
Para tanggapin ako
Tatawanan n'yo ba
Ang isang tulad ko

Hindi na baguhan
Sa pagkukunwari
Manhid na siya sa lason
Lason ng ngiti
Eskapo niya 'to sa hirap
At sa sakit ng mundo
Reyalidad niyang ito
Binibigay sa iyo
Ikaw at ako

May mga maskara din tayo
Kamandag ng katotohanan
Ang siyang lalaya sa isipan







Captcha
La chanson Razorback Payaso est présentée par Lyrics-Keeper. Vous pouvez utiliser widget en tant que karaoké de la chanson Payaso si vous avez la possibilité de télécharger le phonogramme(.mid ou .kar files). Pour quelques chansons nous avons la traduction exacte des paroles. Ici vous pouvez télécharger la traduction de la chanson Razorback Payaso. Nous voudrions que les paroles de la chanson soient très correctes, donc, si vous avez quelques corrections, envoyez-les nous s’il vous plaît. Si vous voulez télécharger gratuitement la chanson Payaso au format mp3, vous pouvez le faire chez l’un de nos sponsors musicaux.