Alalay Lang


Pagpalain ka harinawa ng Diyos na maykapal
sa iyong paglalakbay ikaw ay patnubayan
Ikaw sanay maging maingat sa daan,
huwag kang magmadali sa iyong patutunguhan
Isa-isip mong palagi na hindi lamang ikaw
ang may karapatang gumamit ng lansangan
Iwasan mong maging sanhi ng sakuna,
sa kapwa tulad mo ay huwag makapinsala
Alalay ka lang sa iyong manibela,
agapan lang ang prenot alisto ka lagi sa kalsada
Alalay lang kaibigan, alalay lang kaibigan
Konting alalay lang sa kalsada
Alalay lang kaibigan, alalay lang kaibigan
Mag-ingat ng hindi madisgrasya
Magpasensiya ka at huwag maging abala sa daan,
tama lang na ikaw ay makipagbigayan
Panatilihin ang pagpapakumbaba, palaging ngumiti
at huwag susubo sa away
Sa iyo nakasalalay ang buhay na iyong sakay,
bigyan ng halaga dapat paka-ingatan
Walang kasing sarap mabuhay sa mundo
kaya magpatakbo ng lubos ang kaligtasan
Alalay ka lang sa iyong manibela,
agapan lang ang prenot alisto ka lagi sa kalsada
Alalay lang kaibigan, alalay lang kaibigan
Konting alalay lang sa kalsada
Alalay lang kaibigan, alalay lang kaibigan
Mag-ingat ng hindi madisgrasya
Alalay ka lang sa iyong manibela,
agapan lang ang prenot alisto ka lagi sa kalsada
Alalay lang kaibigan, alalay lang kaibigan
Konting alalay lang sa kalsada
Alalay lang kaibigan, alalay lang kaibigan
Mag-ingat ng hindi madisgrasya
Alalay ka lang sa prenot manibela,
Alalay lang kaibigan, mag-ingat ng hindi madisgrasya







Captcha
Piosenkę Florante Alalay Lang przedstawia Państwu Mltd. Widget można wykorzystywać jako karaoke Alalay Lang, gdy jest możliwość ściągnąć fonogram minusowy(.mid lub .kar). Dla niektórych kompozycji dostępne jest prawidłowe tłumaczenie piosenki Alalay Lang. Mogą Państwo również ściągnąć tutaj tłumaczenie tekstu piosenki. Staramy się, aby słowa piosenki były jak najbardziej dokładne, więc jeżeli Państwo mają jakiekolwiek korektywy tekstu piosenki, uprzejmie prosimy o ich przysłanie do nas. Jeżeli Państwo chcą ściągnąć zadarmo piosenkę Florante Alalay Lang w formacie mp3, polecamy odwiedzić jednego z naszych sponsorów muzycznych.