Kabet


[Verse 1]

Kay sakit namang isipin na sa puso mo ako'y pangalawa sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko ang aking mga mata at sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay hanggang sumapit ang umaga nang muli kang makasama

Ano ang ating lagay hindi mapalagay ako'y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay sa kanya ka sa tanghali akin sa gabi pagdilat sa umaga yo! wala kana sa tabi meron kahati gusto kita na mapasaakin kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin at lagi mong iisipin kung hindi ka para sa akin wag mo lang makalimutin na ikaw mahal ko rin

[Chorus]

Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya

[Verse 2]

It really hurts ang magmahal ng ganito kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo hanggang ganun na lang nga kailangan ko tong taggapin na sa puso mo meron na ngang ibang umaangkin at alam ko na rin na mayroon nang nagmamayari sa pag ibig sa iyo ako itong nakikihati at ano man ang mangyari 'di ko kayang manumbat at kahit pa ilihim mo ako sa lahat gaano man kabigat sa puso ko itong aminin hindi dadaing wag ka lang mawalay sa akin masakit man nang isipin na ako ang naghiram kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam at kahit hindi to tama ako ay sumugal kahit pa nga alam kong mayroon kang ibang mahal binigay ko ang lahat kahit ganto ang natamo sa pag-ibig sang iba ako ngayon nakikisalo

[Verse 3]

Sa situwasyon natin na ito hindi ko alam kung san tutungo alam ko mahirap pag mali pero mahirap rin isuko paano ko masusuot sing-sing sayo na dala, kung sa paglalagyan nito meron na palang na unang nakilala mo ako di ko binalak mang-gulo gusto ko lang mapatunayan na ika'y mahal ko, yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit kahit ang tawag lang sa akin dihamak na kabit
Oo nga ikaw sa akin at ako ay sa iyo, at ikaw din sa kanya at siya din sa iyo, yun ay aking tinanggap para makasama ka lang pero sana wag sabihin na nakasama ka lang pero sana rin wag na tayong dumating pa diyan tiisin ko ang lahat e basta wag lang yan kahit alam kong mahirap tanggapin na mas na una siya sa iyo kesa sa akin

[Repeat Chorus]







Captcha
Piosenkę Gagong Rapper Kabet przedstawia Państwu Mltd. Widget można wykorzystywać jako karaoke Kabet, gdy jest możliwość ściągnąć fonogram minusowy(.mid lub .kar). Dla niektórych kompozycji dostępne jest prawidłowe tłumaczenie piosenki Kabet. Mogą Państwo również ściągnąć tutaj tłumaczenie tekstu piosenki. Staramy się, aby słowa piosenki były jak najbardziej dokładne, więc jeżeli Państwo mają jakiekolwiek korektywy tekstu piosenki, uprzejmie prosimy o ich przysłanie do nas. Jeżeli Państwo chcą ściągnąć zadarmo piosenkę Gagong Rapper Kabet w formacie mp3, polecamy odwiedzić jednego z naszych sponsorów muzycznych.