Ligawan Stage


Kailangan kong isipin
Kung paano aamin
Kapag nakikita kita
May kasama nang kaba

Kasi
Nais ko sanang makasama kang muli
Mula umaga hanggang sa hating-gabi
Mahawakan lang kamay mo'y ayos na

Kailangan nang isipin
Kung kailan aaminin
Nadadala sa panunukso
Ng mga kaibigan ko
Di lang nahahalata
Kay tagal ko nang bihag, 'di na makahinga
Panliligaw sa iyo'y kina-kareer ko na sa isip ko

Kasi
Nais ko sanang makasama kang muli
Hawak ang yong kamay hanggang sa pag-uwi
Mayakap lang kita ay ayos na

Pasensya ka na
Wag ka sanang mailang
Nauna kasi
Ang puso sa isipan

Pagka-Nerbyoso ko'y
Ginagawan ko na ng paraan
Kahit mag mukhang payaso
Ngiti mo lang ang panaginip ko

Kasi
Ika'y anghel sa buhay kong walang saysay
Ligtas na tayo sa mundong walang kulay
Mauwi lang sa kasalan, ayos na
Sabay na sana tayong tumanda







Captcha
Piosenkę Rivermaya Ligawan Stage przedstawia Państwu Mltd. Widget można wykorzystywać jako karaoke Ligawan Stage, gdy jest możliwość ściągnąć fonogram minusowy(.mid lub .kar). Dla niektórych kompozycji dostępne jest prawidłowe tłumaczenie piosenki Ligawan Stage. Mogą Państwo również ściągnąć tutaj tłumaczenie tekstu piosenki. Staramy się, aby słowa piosenki były jak najbardziej dokładne, więc jeżeli Państwo mają jakiekolwiek korektywy tekstu piosenki, uprzejmie prosimy o ich przysłanie do nas. Jeżeli Państwo chcą ściągnąć zadarmo piosenkę Rivermaya Ligawan Stage w formacie mp3, polecamy odwiedzić jednego z naszych sponsorów muzycznych.