Tayo Pa Ba


Nang aking obserbahan ang matagal ng relasyon,
Mukhang di na gumaganda patungo nating direksyon
At ang kumunikasyon nating dalawa'y parang wala na,
Tanung ko saiyo "Tayo Pa Ba?" parang wala na
Kaya pinilit kong baguhin ang ugali ko ngaun,

Kasi baka ito ang dahilan kung kaya nagka ganun
Kapag kinakausap ka mata mo'y lumilihis
Nababagot kaba kaya ang ginawa ay umalis
At ako'y tinalikuran at iniwan mo nalang bigla,

Ang puso ko'y namantyahan parang tinapunan ng tinta
At ang puso mo'y aking unti-unting naramdaman
Lumalayo na nga ito sa puso ko, bakit ganyan?
At parang naglaho ng pangako mong para sa akin,
Na ikaw lang at ako walang hanggan hanggang palarin
Kahit na anu ang dahilan aking tatanggapin,
Sana naman aking mahal wag mo naman akong isnabin

CHORUS:

Mahal, Tayo pa ba? bakit di ko madama?
Na ako'y iyong mahal at wala na ngang iba
Ako lang ba sa puso mo?
Ang tanging iniisip mo?
Sana'y malaman, gagawin lahat, basta't para sau Mahal Ko

Yan ang lagi kong tanong sa isip kung Tayo pa ba?
Kasi hindi mo na pinapansin ang bawat kataga
Saking paglapit at paghawak ng iyong mga kamay,
Hindi ko narin madama kahit ni yakap mo't akbay

Sumasabay ako sa lakad mo kahit na masaklap,
Sa damdamin ko ang lumayo nga di ko matanggap,
Sa harap mo nagtanung, kung anu ang pagkukulang?
Nagmumukhang Tanga, ngunit sayo parang wala lang!

Ang lahat ng sinasabi ko tagos sa tenga mo,
Baliwala lahat sayo kapag ika'y nagtatampo
Na para bang buhat ko ang mundo kapag nka ngiwi
Na ang nguso mo walang halik kapag umuuwi,

Sa tahanan nyo na tanging ito lang ang koneksyon,
Lumalabo na parang walang antenang relasyon,
Hanggang ngaun lumalamang lagi sakin ang kaba,
Bumubuno sa isip ko tanging tanong, Tayo pa ba?

CHORUS:

Mahal, Tayo pa ba? bakit di ko madama?
Na ako'y iyong mahal at wala na ngang iba
Ako lang ba sa puso mo?
Ang tanging iniisip mo?
Sana'y malaman, gagawin lahat, basta't para sau Mahal Ko

Sa dami nang pinagdaanan kong matitinding pagsubok,
Ay sayo ko naranasang maglaho na parang uso,
Mga ala-alang kay saya tinakpan sa isipan ng tampo
Anung nagawa kong kasalanan, bakit naisipang gawin ang ganito
Mahal lang kita, ang tanong ko lang, Kung ako ay mahal mo pa ba?

Dahil masakit para sa akin ang alam ko tayo, pero parang wala!
Ng relasyon, na naguugnay, prang di na magkasintahan
Dahil sa tuwing makasalubong ka, ako'y biglang iniiwasan
Pano ko bang nagagawang sayo ay magpaka Tanga,
Kahit alam ko na mahal sakin lumalayo kana

Bakit? di mo nalang sabihin sakin kung anu ang ayaw mo,
Upang di kana mahirapan para saktan lang ako,
Mahal mukhang wala na nga parang malabo nang lahat
Sana sa awit ko'ng ito makuha mo nang ipagtapat

Pagkat hindi ko pa alam, kung mawala ay kaya nga ba,
Akin lang itatanong sayo, Mahal Tayo pa nga ba?

CHORUS:

Mahal, Tayo pa ba? bakit di ko madama?
Na ako'y iyong mahal at wala na ngang iba
Ako lang ba sa puso mo?
Ang tanging iniisip mo?
Sana'y malaman, gagawin lahat, basta't para sau
(Oh kahit nasasaktan ang puso kong ito)

Mahal, Tayo pa ba? bakit di ko madama?
Na ako'y iyong mahal at wala na ngang iba
Ako lang ba sa puso mo?
Ang tanging iniisip mo?
Sana'y malaman, gagawin ko ang lahat, titiisin lahat,
Para sau MahaL KO!







Captcha
Widget
Piosenkę Saint Rapper Tayo Pa Ba przedstawia Państwu Mltd. Widget można wykorzystywać jako karaoke Tayo Pa Ba, gdy jest możliwość ściągnąć fonogram minusowy(.mid lub .kar). Dla niektórych kompozycji dostępne jest prawidłowe tłumaczenie piosenki Tayo Pa Ba. Mogą Państwo również ściągnąć tutaj tłumaczenie tekstu piosenki. Staramy się, aby słowa piosenki były jak najbardziej dokładne, więc jeżeli Państwo mają jakiekolwiek korektywy tekstu piosenki, uprzejmie prosimy o ich przysłanie do nas. Jeżeli Państwo chcą ściągnąć zadarmo piosenkę Saint Rapper Tayo Pa Ba w formacie mp3, polecamy odwiedzić jednego z naszych sponsorów muzycznych.