Letra da música de Lloyd Umali: Nanliligaw Naliligaw

Nanliligaw Naliligaw


Madalas kitang makitang may kasama
Magkahawak ang mga kamay
Bumibigat ang puso ko
Laging nangangarap, na ako'ng kapiling mo

Dapat nga kayang sa iyo ako'y humanga
Kahit na ako'y mayroon nang iba
Pigilan man ang puso ko
Tuwid man ang tingin lumilingon ang isip ko

Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay
At ngayon ka lang nakita
At di na ako manliligaw
At di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

Kung sakaling mang magulo itong damdamin
Naghahabol sa iyong nagdaan
Nauna nang pagsuyo niya'y lihis sa 'yong landas
Pagkat tayo ang tadhana

Pag nilalaro mo ang aking isipan
Halik at yakap mo ang nararamdaman
Akala ko'y nabihag niya
Ang puso kong itong sa 'yo'y malayang nagpasya

Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay
At ngayon ka lang nakita
At di na ako manliligaw
At di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

Di ko kayang masaktan ang damdamin
Siya'y nagmamahal ng tunay sa akin
Paano na ang aking pusong
Ikaw lamang ang tanging buhay

Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Sana nga'y maging ikaw at ako
At wala ng hahanapin
Ang puso kong nanliligaw
Ang puso kong naliligaw







Captcha
Widget
A canção da Lloyd Umali Nanliligaw Naliligaw é apresentado-lhe por obséquio Lyrics-Keeper. O widget pode ser usado como uma canção do karaokê Nanliligaw Naliligaw, em caso de poder carregar o fundo(arquivos .midi ou .kar). Para algumas canções disponíveis para corrigir a tradução da canção. Você também pode baixar cá uma tradução das letras da musica Lloyd Umali Nanliligaw Naliligaw. Nós tentamos as reproduzir as letras de Nanliligaw Naliligaw de forma mais precisa portanto se tiver alguns modificações a introduzir em as letras de músicas, faça o favor, enviar-no-las. Se deseja baixar(download) música Lloyd Umali Nanliligaw Naliligawno formato mp3 grátis visite um dos nossos patrocinadores músicais.