Ibon


Sayang at akoy hindi naging isang ibon,
mayrong layang lumipad kahit maghapon
May layang magmasid sa buong kalangitan,
may layang damahin ang ating kalikasan
Sayang at akoy hindi naging isang ibon,
mayrong layang umawit kahit maghapon
Ibong lumilipad habang nag-aawitan,
ibong lumilipad at naliligayahan
Adli
Sayang at akoy hindi naging isang ibon,
may pugad sa itaas ng punongkahoy
Ibon ay gagawa ng pugad na tirahan,
laging magtitiyaga kahit na mahirapan







Captcha