Nanay Mo Lang


Sampung asawa libong kaibigan makakakita sa mundo
ngunit subukin ang katapatan, ilan ang tunay at totoo
Iyong bilangin ang handang magdusat magpakasakit para sa iyo
Walang maaring pumantay sa iyong nanay,
nanay mo lang ang magtitiyaga sa iyo
Kahit maraming kamag-anakan huwag mong asahang dadamay sa iyo
Sa kagipitan ang siguradong unang tutulong ay ang nanay mo
Iyong bilangin ang handang sumama sa kasukdulan ng problema mo
Walang maaring pumantay sa iyong nanay,
nanay mo lang ang magtitiis sa iyo
Nanay mo lamang, nanay mo lamang
Nanay mo lang ang laging kakampi sa iyo
Nanay mo lamang, nanay mo lamang
Nanay mo lang na nagluwal sa iyo
Kung pipiliin tatay o nanay, sino ang nagpakahirap ng husto
Huwag mong sabihin na patas lamang dahil parehong nagmamahal sa iyo
Iyong bilangin ang mga lalaking nakahanda na magdalangtao
Walang maaring pumantay sa iyong nanay
Nanay mo lamang, nanay mo lamang,
nanay mo lamang, nanay mo lamang
Tanging ina mo, tanging ina mo
tanging ina mo, tanging ina mo
Tanging ina mo, tanging ina mo
tanging ina mo, tanging ina mo







Captcha