Ngayon


Dilim sa kahapon na nagdaan huwag ng itanim sa isipan
Ngayon kung hindi mo napapansin,
ang matang hilam sa luha ay malabo ang paningin
Sadyang ang lahat ay dumaraan, lahat ay dapat maramdaman
Damhin ang wasto at mga mali,
ang lahat ay pag-isipan upang di na magsising muli
Ngayon, hawak mo ang bawat sandali, huwag mong bayaang muling magkamali
Ngayon at sa tuwina ay tandaan, kambal ang sayat kalungkutan
Tatag ng loob ay laging dalhin,
buhay ay isang pagsubok magmula ng itoy tanggapin
Mapalad kat mayron ka pang ngayon







Captcha