Ulitin


Sa aking paningin iba't ibang landas,
Punong puno ng kulay ingat lang sa ahas,
Pagasang hinahanap laging nawawalan,
Kaunting halik sa ulap ako'y nabulagan

Ayoko nang isipin,
Hindi na uulitin

Nadapa, nalunod, ayaw nang bumangon,
Kailangan nang umahon,
Alam kong ito'y nakakalito,
Kaluluway's wag sanang lumayo

Kay tagal ko nang hinahanap ang munting paraiso
Hanggang ngayon, hindi mahanap, wag nang hanapin, wag nang ulitin
Nasan ka paraiso?







Captcha
Widget