Araw Gabi


Nasaan ka na, nasaan ka na o giliw ko?
Nariyan lang ba, malapit o malayo?
At kung di ka makita ay ramdam ka pa rin
Araw gabi, lagi kitang kapiling

Larawang nakasabit sa may harapan,
Nakaraang hinding-hindi malilimutan,
Napaluha ako at napangiti din,
Araw gabi lagi kitang kapiling

Kahit di kita nakausap man lang,
Nang gabi na ikaw ay lumisan,
Alam na alam, ko namang nandirito ka lang

Tinig nating di nawawala sa aking pandinig,
Awit na likha ng ating pag-ibig,
At buong gabi inaawit ko hanggang ako'y maidlip,
Araw gabi lagi kitang kapiling

At sa isang gabi na tila malaya,
Nawala kang bigla nang walang paalam,
Alam ko na nakamit mo rin ang kapayapaan

Himig nating di nawawala sa aking pandinig,
Awit na likha ng ating pag-ibig,
Lalalalalala,lalalala,lalalalala,lalalala

Nasaan ka na, nasaan ka na o giliw ko?
Nariyan lang ba, malapit o malayo?
At kung di ka makita ay ramdam ka pa rin
Araw gabi, lagi kitang kapiling
Araw gabi, lagi kitang kapiling
Araw gabi, lagi kitang kapiling







Captcha