Tapayan


Mayrong isang sepulturero doon sa libingan,
lupa ay kanyang hinuhukay basta mayrong patay
Minsan siya ay nakahukay ng lumang tapayan
at ng makita ang laman siya ay hinimatay
At nang siyay magising wala na ang tapayan,
saan na napunta ang kanyang katanungan
Sariling ulo niyay sinuntok sa panghihinayang
at dahil nga doon, siya ay naging isang baliw
Bawat puntod sa may libingan ay pinagtanungan,
bawat tao na madaan ay kanyang hinaharang
Nais nitong sepulturero na siya ay tulungan,
tulong na sana ay hanapin ang lumang tapayan
Nang dahil sa laman ng isang lumang tapayan
ang sepultureroy nabaliw na ng tuluyan
Tapayang ang laman kung nais nyong malaman,
huwag nyo kong tanungin pagkat hindi ko rin alam







Captcha
The Florante Tapayan are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Tapayan lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.