Isang Bandila


Wag kang mabahala sa kahol ng mga aso
Ligtas ang pag-asang nakasakay sa ating mga palad at balikat
‘Wag mong patulan, ‘wag mong sakyan ang mga talangka
Panis ang angas sa respeto't pagpapakumbaba
Walang matayog na pangarap
Sa bayang may sipag at t'yaga

Isang ugat, isang dugo
Isang pangalan, Pilipino
Isang tadhanang lalakbayin
Isang panata, isang bandila

Pekeng bayani
Pekeng paninindigan
Subukan naman nating pagtulung-tulungan
Paglayang ating minimithi
Hindi alamat, hindi konsepto
Ang bayanihang minana mo

Isang ugat, isang dugo
Isang pangalan, Pilipino
Isang landas na tatahakin
Isang panata, isang bandila

Isang ugat, isang dugo
Pare-parehong Pilipino
Mga tadhanang magkapatid

Isang panata, isang bandila
Isang bandila







Captcha
The Rivermaya Isang Bandila are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Isang Bandila lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.