Laging Ikaw Pa Rin


Magmula noong mawalay ka sinta
Kay lungkot ng buhay 'pag nag-iisa
Paano ba matatanggap ngayon ng puso ko
Na wala ka na, ba't lumisan pa

Kung alam mo lang ang nararamdamam
'Di ka nawawala sa aking isipan
Minsan pa'y nagbabalik ang ala-ala mo
Ano ba'ng nagawa, ikaw ay lumayo

Kahit pilitin man
Ikaw ay aking kalimutan at
Subukang umibig sa iba
Ngunit sadyang may kulang pa
Sigaw ng damdamin ko'y ikaw,
'Pagkat walang mahalaga
Sa aking puso ay
Laging ikaw pa rin

Nanaisin mang ikaw ay magbalik
Ang madama uli ang 'yong mga halik
Mayroon man ngayon iba sa iyo'y nagmamahal
Dito pa rin ako, naghihintay sa iyo

Sigaw ng damdamin ko'y,
Ikaw 'pagkat walang mahalaga
Sa aking puso ay
Laging ikaw pa rin

Kahit pilitin man
Ikaw ay aking kalimutan at
Subukang umibig sa iba
Ngunit sadyang may kulang pa
Sigaw ng damdamin ko'y,
Ikaw 'pagkat walang mahalaga
Sa aking puso ay
Laging ikaw pa rin

Sa aking puso ay laging
Ikaw pa rin







Captcha
The Roselle Nava Laging Ikaw Pa Rin are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Laging Ikaw Pa Rin lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.