Habang Ang Lahat


Habang ang lahat ay nagsasaya
Halos lampasan na ang ligaya
Narito ako tila walang gana
At di' makatawa

Habang ang iba ay nakalimot na
Dahil sa alak at indak ng musika
Narito ako parang nag-iisa
At inisip ka

Malayo ang nararating
Akong kausapin
Tango lang at iling
Iba ang sinisigaw
Kundi ikaw
Sana'y nandito ka
Sana'y nandito ka

Habang ang gabi ay nagdiriwang
Sa tuwa't sayang pinagsaluhan
Narito ako nagluluksa sa buwan
Nagmumukmok na lang

Malayo ang nararating
Akong kausapin
Tango lang at iling
Iba ang sinisigaw
Kundi ikaw
Sana'y nandito ka
Sana'y nandito ka

Habang ang lahat ay nagsasaya
Halos lampasan na ang ligaya
Narito ako tila walang gana
At di' makatawa

Habang ang iba ay nakalimot na
Dahil sa alak at indak ng musika
Narito ako parang nag-iisa
At iniisip ka
Iniisip ka







Captcha
The Siakol Habang Ang Lahat are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Habang Ang Lahat lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.