Paalis ka na
'Di na'ko mapakali
Paalis ka na
Lagi mong sinasabing
Kung pwede lang itigil ang oras
Ay hahayaan mo ito
'Di pa naman ito ang huli
Makikita pa kitang muli
Pero sa tuwing nakapiling ka,
Ayokong umalis ka pa
CHORUS:
Bukas paano na kaya?
Kakayanin pa kaya ang panibagong umagang
Wala ka saking tabi?
Matitiis pa kayang
Hindi ka makapiling sa ilalim ng gabi, ng buwan at mga bituin?
Tatawagan kita
'Pagkabangon ko sa kama
Aaliwin kita
Sa tunog ng musika
Sa huling minutong makakausap ka,
Sana'y di natatapos ang bilang
Ng bawat segundong lumilipas
Mas nais kong makasama ka
Habang buhay
Mas gusto kong kayakap ka