Dati-Rati


(stanza 1)
noon ay baduy akong manamit
hinahamak at nilalait
patpatin kaya payat ang katawan
pinagtatawanan, mukhang ewan
one time sa buhay aking nakilala
isang tsinita sa buhay ko'y nag-iba
kapag may date kami'y namimili pa
giordano shirt, levi's pamorma
nang minsan, inakbayan ko sya
isang beses pero aking nadama
hanging pumapasok sa manggas
kili-kili ko naman pala'y butas
at para makaiwas sa laking hiya
dali-dali na lang akong nag-aya
hinatid ko sya hanggang makauwi
kahit puro taxi lang ang gamit
(chorus:)
dati-rati ang pangit-pangit mo
dati-rati ang kelot-kelot mo
pero ngayong superstar ka na hah
nagsisisi ako oh
bakit ko pa ba
tinanggihan ang pag-ibig mo
(stanza 2)
sa pagdating namin sa bahay nila
narinig ko na ang nanay nya
ako'y tinataboy ay ako'y inaapi
masakit na salita mga sinasabi
ang sabi nya sa akin
"oo nga, gwapo nga pero pursige sa buhay eh wala"
walang binatbat at walang sinabi
kasi manliligaw nya puro de-kotse
pero kahit nililibak tuloy pa rin ako
even though dinudusta ng ina mo
at ang masakit pa sya'y paalis
lilipad sya papuntang us
mabuti na lang at umabot pa ako
sa kalupitan na tatanggapin ko
"o, bakit ka pa nandito? hoy umuwi ka na"
at never ko na raw syang makikita
(repeat chorus)
(stanza 3)
biglang nagbago sitwasyon
good opportunity sa akin ay umayon
naambunan ako, sinwerte
may sariling bahay, pera at kotse
kasama pa sa dulo ng walang hanggan
asap at kung saan-saan
contract star ng channel 2
easing-easy got a lot of things to do
nag-iba ang tadhana, ako ay nagtaka
biglang nagtatawag ang nanay nya
tinanong kung kelan daw ako pupunta
long time no see daw at miss na miss nila
ligawan ko daw ulit ang anak nya
nagmamakaawa, "sige na, sige na"
sayang at napawi ang pagmamahal ko
dahil sa pang-aapi ng ina mo
(repeat chorus)
(bridge)
pero ngayong superstar ka na hah
nagsisisi ako oh
bakit ko pa ba
tinanggihan ang pag-ibig mo







Captcha
La chanson Carol Banawa Dati-Rati est présentée par Lyrics-Keeper. Vous pouvez utiliser widget en tant que karaoké de la chanson Dati-Rati si vous avez la possibilité de télécharger le phonogramme(.mid ou .kar files). Pour quelques chansons nous avons la traduction exacte des paroles. Ici vous pouvez télécharger la traduction de la chanson Carol Banawa Dati-Rati. Nous voudrions que les paroles de la chanson soient très correctes, donc, si vous avez quelques corrections, envoyez-les nous s’il vous plaît. Si vous voulez télécharger gratuitement la chanson Dati-Rati au format mp3, vous pouvez le faire chez l’un de nos sponsors musicaux.