Kasarinlan


Hindi habang panahong aasa sa iba,
ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana,
paglaya ng ganap ay mararamdaman
Igala ang paningin sa mga kapaligiran,
maraming bagay ang maa-aring pagkakitaan
Kasarinlan ang malagay sa matatag na kabuhayan,
paglaya ng ganap dapat maramdaman
Tiyagaing abutin ang kaunlaran,
bangon na at tumulong sa bayan
Ang isang kabuhayang may kaunlaran
ang susi sa daang patungo sa kasarinlan
Magsanay gumawa at mag-isip mag-isa,
huwag umasang mayroong mga maa-awa
Kasarinlan ang tumindig ng walang kinakapitan,
paglaya ng ganap dapat maramdaman
Tiyagaing abutin ang kaunlaran,
bangon na at tumulong sa bayan
Ang isang kabuhayang may kaunlaran
ang susi sa daang patungo sa kasarinlan
Hindi habang panahong aasa sa iba,
ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana,
paglaya ng ganap ay mararamdaman
Kasarinlan ang magtiwala sa sarili ng lubusan
Isang kasarinlan, isang kalayaan







Captcha
La chanson Florante Kasarinlan est présentée par Lyrics-Keeper. Vous pouvez utiliser widget en tant que karaoké de la chanson Kasarinlan si vous avez la possibilité de télécharger le phonogramme(.mid ou .kar files). Pour quelques chansons nous avons la traduction exacte des paroles. Ici vous pouvez télécharger la traduction de la chanson Florante Kasarinlan. Nous voudrions que les paroles de la chanson soient très correctes, donc, si vous avez quelques corrections, envoyez-les nous s’il vous plaît. Si vous voulez télécharger gratuitement la chanson Kasarinlan au format mp3, vous pouvez le faire chez l’un de nos sponsors musicaux.