Gising Na


gising na
buksan ang iyong mga mata gising na
halina at silipin ang pagdilat ng umaga
tahimik at saksakan ng ganda

gising na
nandiyan na ang umaga gising na
nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha
at pungay ng iyong mga mata

kanina pa kita pinagmamasdan
kanina pa kita tahimik na binabantayan
hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw
sadiyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha

gising na buksan and iyong mga mata gising na
mayron sana akong gustong sabihin sa iyo
na di mapaliwanag ng husto

gising na nandiyan na ang umaga gising na
hindi ko maintindihan ba't di mapantayan
ang kasiyahan na nadarama
tuwing nandiyan ka

binabalak ko ng sabihin na minamahal kita
kasabay na pag sipol ng wala na yatang igaganda pa
nagsama ang ginaw at ang lamig ng araw
ngunit dala ng kaba
hindi ko yata kayang magsalita

nakakainis isipin na di ko alam ang gagawin
ngunit walang magagawa di pa kayang aminin
ang pagkakataon ay dapat pang palampasin
di na lang kita gigisingin







Captcha
La chanson Parokya Ni Edgar Gising Na est présentée par Lyrics-Keeper. Vous pouvez utiliser widget en tant que karaoké de la chanson Gising Na si vous avez la possibilité de télécharger le phonogramme(.mid ou .kar files). Pour quelques chansons nous avons la traduction exacte des paroles. Ici vous pouvez télécharger la traduction de la chanson Parokya Ni Edgar Gising Na. Nous voudrions que les paroles de la chanson soient très correctes, donc, si vous avez quelques corrections, envoyez-les nous s’il vous plaît. Si vous voulez télécharger gratuitement la chanson Gising Na au format mp3, vous pouvez le faire chez l’un de nos sponsors musicaux.