Para Sa Buong Rizal


Yo itaas mo ang kamay mo Para Sa Buong Rizal

(Chorus) 2x

Dito sa Rizal, ito ang aking lugar
Dito pinanganak ang kagaya ko maganda ang asal

1st Verse:
Para trycicle ito ang singkwenta pesos
Iyo na ang sukli, basta ang araw mo ay maayos
Ito pa ang sentimos, baka kulangin ka at pagkatapos
Ikaw ay maghilamos, alam mo naman ang usok ay nakakapagod
Sa mga jeepney driver sana kayo ay makasahod
Sa init ng araw ito ang malamig na tubig
At sa lahat ng nagtrabaho ngayon ito ang sisig
Relax muna ito ang pulutan,
Kaibigan tara tayo ay maginuman, doon! sa tambayan!

(Chorus) 2x

Dito sa Rizal, ito ang aking lugar
Dito pinanganak ang kagaya ko maganda ang asal

2nd Verse:
Sa pag gising sa umaga binubuksan ang bintana
Presco ang hangin oh kay sarap na
Langhapin ang halimuyak na dumadating
Na alam mo sa huni ng ibon ay ito iyong sisilipin
At napakasarap na amoyin ang nakahain
Lutong pilipino kay sarap kainin ito
Di mo lang alam ang aking paborito
Basta ba kahit ano, mabusog ako, salamat sa nagluto
Binubusog ako ng sigurado
Sa plato, sa dahon ng saging, dyan ako nakapwesto!
Siksikan, agawan, oh kay saya ng umagahan
Kahit ba ulam at kanin ay kainitan!

(Chorus) 2x

Dito sa Rizal, ito ang aking lugar
Dito pinanganak ang kagaya ko maganda ang asal

3rd Verse:
Gusto mo bang sumama, sa aming lugar
Dito ay masaya Morong Rizal
Simple lang pero patok sya at ayos pa
Kalapit pa ng Cardona at Teresa "payapa payapa"
Ngayon isasakay kita, patungong Tanay
Baka naman gusto mo sa Baras muna
Baka naman sa kabila don sa Binangonan
Dahan dahan, wag mo kalimutan na dumaan
Sa San Guillermo, Malapit ito sa Antipolo
Isasama ko pa ang San Mateo, Angono,
Sa Rizal ang dami ng tao, kung sino sino
Tiga Pililla, Jala Jala, TayTay,
Malapit ito sa Cainta, at saka Rodriguez
Ako ng pala si Sevenes, kumusta sa lahat ng nakikineg
Magandang umaga, magandang tanghali, hating Gabi
Sana lahat kayo ay Mabuti Sana lahat kayo ay Mabuti

(Chorus) 2x
Dito sa Rizal, ito ang aking lugar
Dito pinanganak ang kagaya ko maganda ang asal







Captcha
La chanson Sevenes Para Sa Buong Rizal est présentée par Lyrics-Keeper. Vous pouvez utiliser widget en tant que karaoké de la chanson Para Sa Buong Rizal si vous avez la possibilité de télécharger le phonogramme(.mid ou .kar files). Pour quelques chansons nous avons la traduction exacte des paroles. Ici vous pouvez télécharger la traduction de la chanson Sevenes Para Sa Buong Rizal. Nous voudrions que les paroles de la chanson soient très correctes, donc, si vous avez quelques corrections, envoyez-les nous s’il vous plaît. Si vous voulez télécharger gratuitement la chanson Para Sa Buong Rizal au format mp3, vous pouvez le faire chez l’un de nos sponsors musicaux.