Luha


Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Naglaho sa dilim
Ninais kong mapalapit sa'yo
Ninais kong malaman mo
Ang mga paghihirap ko
Balewala lang sa'yo

Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit ako pala'y naging isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo

Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa `yo ngayon ay naglaho na
At ito ang 'yong tandaan
Ako'y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha
Pagbabayaran mo

Tingnan mo ang katotohanan
Na tayo'y pare-pareho lamang
May damdamin ding nasasaktan
Puso mo'y nasaan

Ayaw ko nang mangarap
Ayaw ko nang tumingin
Ayaw ko nang manalamin
Nasasaktang damdamin
Gulong ng buhay
Patuloy-tuloy sa pag-ikot
Noon ako ay nasa ilalim
Bakit ngayon nasa ilalim pa rin
Sana bukas nasa ibabaw naman







Captcha
Widget
La canzone Aegis Band Luha è presente nell'elenco di Lyrics-Keeper. Se avete la possibilità di scaricare il binario(file .kar o .midi) della canzone Luha, widget può esser usato come karaoke per la canzone. Per certe composizioni musicali c'è una traduzione coretta. In più esattamente qua potete scaricare la traduzione testo della canzone Luha. Noi cerchiamo, che il testo della canzone sia più preciso possibile. Per questo, se avete qualche correzione, per favore, mandatecela. Se volete scaricare gratis la canzone Luha nel formato mp3, visitate un sito dei nostri sponsor musicali.