Limang Dipang Tao


Limang dipang taong nagtutulakan
Sa Avenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan di ko malaman

Sa aking jeepning sinasakyan
Mayroong natanaw na mama
Sa dinami-raming nagdaraan
Ikaw pa ang nakita
Ikaw pa ang nakita, may kasamang dalaga

"Para mama, dito na lang,
Bababa na ako"
"Para mama, dito na lang,
Heto ang bayad ko"
"Para na sabi, para na sabi,
Para mama para na diyan sa tabi"

Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Tinatanaw ang pag-akay mo
Sa babaeng pinagseselosan ko

Sa pagmamadali ay nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan ninyo
Lumapit ka at tinulungan ako
At kita'y tinitigan, mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman?

"Sorry, mama, pasensiya ka na!
Akala ko'y asawa kita"
"Sorry, mama, pasensiya ka na!
Sorry at naabala kita"
"Sorry na sabi, sorry na sabi
Sorry mama sorry at napagkamalan ka!"
"Sorry at napagkamalan ka!"

Limang dipang taong nagtutulakan
Sa Avenidang aking kinatatayuan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan di ko malaman

Limang dipang taong nag-uunahan
Sa uunting sasakyang nagdaraan
Sayang ang jeepning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi
Malaking pagkakamali

"Para, mama, sasakay po
Limang dipang taong nagtutulakan"
"Para, mama, sasakay po
Limang dipang taong nag-uunahan"
"Para na sabi, para na sabi,
Para mama, para na dyan sa tabi"

"Para na sabi, para na sabi,
Para mama, para na dyan"
"Para na dyan sa tabi"
"Para na sabi
Para na diyan sa tabi"







Captcha
Widget
Liedje Apple Abarquez Limang Dipang Tao is beschikbaar gesteld door Lyrics-Keeper. U kunt de widget gebruiken als een karaoke versie van de lied Limang Dipang Taomits er een instrumentale versie(.mid of .kar bestanden) aanwezig is. Sommige composities beschikken over een correcte vertaling. Hier kunt U ook de vertaling van de liedje Apple Abarquez Limang Dipang Tao downloaden. Wij doen ons best zodat de woorden van liedje correct zijn, daarom mocht U opmerkingen of correcties voor dit liedje hebben, stuur die dan alstublieft naar ons. Als U liedje Limang Dipang Tao in mp3 formaat gratis wilt downloaden, bezoek dan een van onze muzikale sponsors.