Nasating Mga Kamay


Nasating mga kamay, nasating mga kamay
Ang kinabuksan ay nasating mga kamay
Nasating mga kamay, nasating mga kamay
Ang pagpapasya'y nasating kamay

Wala sa gulong at guhit ng tadhana
Wala sa gitna, panganay at bunso
Wala rin sa swerte at wala sa tsamba
Tabi, tabi po, nuno sa punso

Nasating mga kamay

Wala sa nunal, wala sa kapalaran
Bolang kristal at mga bituin
Wala sa baraha at wala sa bilang
Abrakadabra at anting-anting

Nasating mga kamay

Nasa mga kamay na masigasig
Nasa mga kamay na matiyaga
Nasa mga kamay na masisipag
Nasa mga kamay na masigla

Nasa mga kamay na malikhain
Nasa mga kamay na maliksi
Nasa mga kamay na kumikilos
Nakasalalay ang minimithi

Nasating mga kamay
Nasating mga kamay
Nasating mga kamay!







Captcha
Liedje Gary Granada Nasating Mga Kamay is beschikbaar gesteld door Lyrics-Keeper. U kunt de widget gebruiken als een karaoke versie van de lied Nasating Mga Kamaymits er een instrumentale versie(.mid of .kar bestanden) aanwezig is. Sommige composities beschikken over een correcte vertaling. Hier kunt U ook de vertaling van de liedje Gary Granada Nasating Mga Kamay downloaden. Wij doen ons best zodat de woorden van liedje correct zijn, daarom mocht U opmerkingen of correcties voor dit liedje hebben, stuur die dan alstublieft naar ons. Als U liedje Nasating Mga Kamay in mp3 formaat gratis wilt downloaden, bezoek dan een van onze muzikale sponsors.