Dilaw


Sa isip mo'y nagkukubili ang iyong panaginip
Dala ng minana mong kahirapan
Dahil di matagpuan dito ang iyong asam
Mabuti pang lisanin na at tawirin ang alapaap

Kung matapos ba ang paglalakbay,
Tatawagin mo ba ako sa tabi?
Kung daratal, sumisigaw ng pag-asa sa iyong pagbalik

Pangarap kong ika'y yakapin sa magdamag
Isama ka sa pagtunghay ng sikat ng araw
Kung mawawaglit mga ngiti ng balang araw
Mabuti pang ipabatid na lang hiling ko ka'y Bathala

Kung matapos ba ang paglalakbay,
Tatawagin mo ba ako sa tabi?
Kung daratal, sumisigaw ng pag-asa sa iyo

Ayoko sanang maghintay
O kaya'y umasa sa wala
At kung sakaling tayo man sa huli
Saka na lamang ako ngingiti

Kung matapos ba ang paglalakbay,
Tatawagin mo ba ako sa tabi?
Kung daratal, sumisigaw ng pag-asa sa iyo
Kung matapos ba ang paglalakbay,
Tatawagin mo ba ako sa tabi?
Kung daratal, sumisigaw ng pag-asa sa iyong pagbalik







Captcha
Widget
Liedje Proxy Prexy Dilaw is beschikbaar gesteld door Lyrics-Keeper. U kunt de widget gebruiken als een karaoke versie van de lied Dilawmits er een instrumentale versie(.mid of .kar bestanden) aanwezig is. Sommige composities beschikken over een correcte vertaling. Hier kunt U ook de vertaling van de liedje Proxy Prexy Dilaw downloaden. Wij doen ons best zodat de woorden van liedje correct zijn, daarom mocht U opmerkingen of correcties voor dit liedje hebben, stuur die dan alstublieft naar ons. Als U liedje Dilaw in mp3 formaat gratis wilt downloaden, bezoek dan een van onze muzikale sponsors.