Yakap


Buong araw lulubog, lilitaw
Tanda ko pa nung huli kang matanaw
Hanggang naglaho ka sa 'king paningin
Mula noon paligid ko'y nagdilim

Gusto ko ng hilain ang panahon
Nakakasawa na kasi ang kahapon
Kaya ayoko ng maulit ito
Sana ngayon na ang pagbabalik mo

Nilalanggam na ang tsokolate
Kupas na ang lonta kong nabili
May sapot na ang aking kukote
Sabay ng gigil ko sa'yo

Dahil lagi kang naglalaro sa utak ko
Dahil lagi kong nalalanghap ang iyong bango
Lalo't mag-isa't umuulan at malamig ang hangin
Dahil lagi kong hinahanap-hanap ang init ng iyong yakap

Ilang gabi na 'kong ginaw na ginaw
Walang silbi ang mainit na sabaw
Kailangan ko ay ang mga yakap mo
Ikaw ang unan sa 'king paraiso

Bakit kay bagal bagal ng orasan
Paghihintay ay di ko na makayanan
Nasasabik na sa iyong pagbalik
At sa mga yakap mo'ng nakakaadik

Nilalanggam na ang tsokolate
Kupas na ang lonta kong nabili
May sapot na ang aking kukote
Sabay ng gigil ko sa'yo

Dahil lagi kang naglalaro sa utak ko
Dahil lagi kong nalalanghap ang iyong bango
Lalo't mag-isa't umuulan at malamig ang hangin
Dahil lagi kong hinahanap-hanap ang init ng iyong yakap







Captcha
Widget
Piosenkę Siakol Yakap przedstawia Państwu Mltd. Widget można wykorzystywać jako karaoke Yakap, gdy jest możliwość ściągnąć fonogram minusowy(.mid lub .kar). Dla niektórych kompozycji dostępne jest prawidłowe tłumaczenie piosenki Yakap. Mogą Państwo również ściągnąć tutaj tłumaczenie tekstu piosenki. Staramy się, aby słowa piosenki były jak najbardziej dokładne, więc jeżeli Państwo mają jakiekolwiek korektywy tekstu piosenki, uprzejmie prosimy o ich przysłanie do nas. Jeżeli Państwo chcą ściągnąć zadarmo piosenkę Siakol Yakap w formacie mp3, polecamy odwiedzić jednego z naszych sponsorów muzycznych.