Letra da música de Apo Hiking Society: Saan Na Nga Ba'ng Barkada

Saan Na Nga Ba'ng Barkada


Nagsimula ang lahat sa iskuwela nagsama-samang' labingdalawa'
Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa
Madalas ang istambay sa capetirya Isang barkada na kay' saya
Laging may hawak-hawak na gitara, konting udyok lamang kakanta na
Kay simple lamang ng buhay ‘noon, walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Saan na napunta ang panahon

[Chorus]

Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon

Sa unang ligaw kayo'y magkasama, magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago, O kaysarap ng samahang barkada
Nagkawatakan na sa kolehiyo, kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibiga'y hindi nawala

At kung saan na napadpad ang ilan,
Sa dating iskwela'y meron' ding naiwan
Meron' pa ngang mga ilang nawala na lang,
Nakaka miss ang dating samahan

Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan saan na nga bang' barkada ngayon
Ilang taon din ang nakalipas, bawat isa sa ami'y tatay na
Nagsusumikap upang yumaman, at guminhawang kinabukasan
Paminsan-minsan kami'y nagkikita, mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa iskwela, pag magkasama ay nagwawala

Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon

Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon







Captcha
A canção da Apo Hiking Society Saan Na Nga Ba'ng Barkada é apresentado-lhe por obséquio Lyrics-Keeper. O widget pode ser usado como uma canção do karaokê Saan Na Nga Ba'ng Barkada, em caso de poder carregar o fundo(arquivos .midi ou .kar). Para algumas canções disponíveis para corrigir a tradução da canção. Você também pode baixar cá uma tradução das letras da musica Apo Hiking Society Saan Na Nga Ba'ng Barkada. Nós tentamos as reproduzir as letras de Saan Na Nga Ba'ng Barkada de forma mais precisa portanto se tiver alguns modificações a introduzir em as letras de músicas, faça o favor, enviar-no-las. Se deseja baixar(download) música Apo Hiking Society Saan Na Nga Ba'ng Barkadano formato mp3 grátis visite um dos nossos patrocinadores músicais.