Bestfriend


Naaalala mo pa ba nung tayo pa'ng magkasama
Nagkukulitan at laging nag-aasaran
Nagpapatawaran pag tayo'y di nagkaintindihan
Ganyan nga nung tayo'y magbestfriend pa

Naaalala mo pa ba nung tayo pa'ng magkaramay
Sa lahat ng problema ay laging naaasahan
Laging kasa-kasama at di nag-iiwanan
Ganyan nga nung tayo'y magbestfriend pa
CHORUS:
Pero ewan ko ba kung bakit nagkakaganito
Di nagkakasama at di na rin nagkakasundo
Pero alam ko na'ng lahat ng aking nagawa
Pinagpalit ka sa iba‘t iniwang luhaan
(Repeat I & CHORUS)
CODA:
Kaya ako…sana'y iyong patawarin
Alam mo namang di ko kayang mawala…
Ang tanging bestfriend ko
(Repeat II & CHORUS)
Naaalala mo pa ba bestfriend (4x)







Captcha
Widget