Hindi Ako Iiyak


Kapeng aking tinitimpla
Lagi ngayong lumalamig
Hindi ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sa aki'y nakatitig
Ako't siya'y naghihintay masagi ng iyong bibig
Buhok na mahaba
Iniingat-ingatan ko
Noong isang linggo'y pinaputulan mo ito
Marahil ay pagod lamang ang aking isipan
At hindi ko napansin at hindi pinutulan

H'wag kang magalala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak
Pag-ibig na minsan na ating dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat

Pintong dati-rati'y bukas ang aking pag-dating
Ngayo'y naka-sara at panangga sa hangin
Kung ako ay dumalaw at ito ay katukin
Kahit mahina pa sana ay iyong sagutin
Kay linis ng silid walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo'y walang nagkakalat
Sanggol na nasanay nasanay sa ama
Ngayo'y natutulog kahit nag-iisa

H'wag kang magalala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak
Pag-ibig na minsan na ating dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat

H'wag kang magalala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak
Pag-ibig na minsan na ating dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat.

Hmmmm...







Captcha
The The Flippers Hindi Ako Iiyak are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Hindi Ako Iiyak lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.