Hoy Kupido


Hoy! Kupido, huwag ka sanang bara bara sa pagpana
Hoy! Kupido, ang palaso moy itago kaya muna
Mayrong nagsisipagtanan ng hindi pa husto sa gulang
Parang pagkain sa bibig na pag mainit ay basta iluluwa na lamang
Hoy! Kupido, kung gising ka may dapat ka pang gumising
Hoy! Kupido, sana ay piliin mo ang papanain
May nagsisipag-asawa ng hindi pa handa o kaya
Taoy halos katulad na ng aso sa bilis kahit na sa tabing kalsada
Mag-ingat kupido at huwag magkamali, mabisa ang pag-ibig na hindi minadali
Bayaan kupido na mag-isip-isip ang tao sa mundong ngayoy nagsisikip
Hoy! Kupido, ikaw sanay huwag magagalit sa akin
Hoy! Kupido, alam kong dapat umibig at ibigin
Ngunit ang pagpapamilyay dapat isaplanong bagay
upang ang ligayay makamit magbunga ng isang wagas at magandang pag-ibig,
magbunga ng isang wagas at magandang pag-ibig







Captcha
The Florante Hoy Kupido are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Hoy Kupido lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.