Ulila


Mayrong isang bata na gusgusin,
siyay nagpapalimos upang may makain
Arawin at ulanin ang mura niyang katawan,
bangketa ang tinutulugan
Siya ay walang amang kinagisnan
at ang kanyang ina ay maagang pumanaw
Naiwan sa daigdig wala ni isang kapatid,
kawawat ulila ng lubusan
Mahirap maging ulila, mahirap ang mag-isa
Mahirap maging ulila, mahirap ang mag-isa
Ang batang kay dungis at gusgusin
kadalasan ay ipinagtatabuyan
Natuto siyang mang-umit, minsay nahahagupit
malabo ang kinabukasan
Marami pang batang katulad niya,
walang mag-aruga at salat sa kalinga
Diyos ko sanay dagdagan ang may awang nilalang
na nais maging isang magulang
Kawawang ulilay kupkopin
Mahirap maging ulila, mahirap ang mag-isa
Mahirap maging ulila, mahirap ang mag-isa
Mahirap maging ulila, mahirap ang mag-isa
Mahirap maging ulila, mahirap ang mag-isa
Mahirap maging ulila, mahirap ang mag-isa







Captcha
The Florante Ulila are brought to you by Lyrics-Keeper. You can use lyrics widget for karaoke. We tried to make lyrics as correct as possible, however if you have any corrections for Ulila lyrics, please feel free to submit them to us. If you want to download this song in mp3 you can visit one of our music sponsors.